Wandering
Magtatatlumpong taon na. Marami na akong di maalala. Pero may pakonti-konti pa naman bumabalik.Na-aalala ko pa ang malaking punong mangga. Sa tapat may punerarya. Ang sine Aida. Marijuana.
Ang mani ni Ka Puti. Nilagang saging na saba kapag recess na. Rosaryo natin tuwing umaga.
Si Mr. Espinosa na lagi akong confuse kapag nagdarasal sa umpisa ng klase nya. Ang mag-krus ka lang, dasal na pala sa kanya.
Pimples. very short hair. Suot kong pantalon, butas-butas na at t-shirt kong naninilaw na sa kaputian. Eh yung CAT uniform ko, na inilubog ko sa dyobos, maraming beses na.
Naaalala ko pa rin ang mga guys na nag-bully sa akin. Pero ok lang. No harm no foul. Naging bully rin naman ako nung araw. Bawi-bawi lang.
Convocations. Drama fest. Araw ng St Dominic. May performance ang bawat batch. Lagi naman tayong panalo. Talagang nakatatak sa tadhana, winner tayong lahat!
Si Marcial Espino. Manuel Eugenio. Paraiso. Naging ka-kosa nung freshman. Pero wala na sila.
Pugante. Uma-akyat ng pader para lang tumakas sa CAT. O kaya naman, tumatambay sa bahay ng pari. Mompo.
Yung mga naging teachers natin. Babalcon. Zablan. Nimer. Pacheco. Canlas. Necia. Mr & Mrs Espinosa. Cruz...Aurora. pero meron din atang Leticia. Marami pa sila. Di ko na matandaan ang pangalan, pero ang mukha, aninag na aninag ko pa!
Si Miss Laniog. lasing na hipon. may kurot ka! Nalinis ang buong campus, hinati sa labing-isa.
Mr Villarante. Mahilig kumanta. Impossible Dream. Paborito nya.
Rico J Puno. Rey Valera. Leah Navarro. Haji Alejandro. Sampaguita. Freddie Aguilar. Jeproks. Laki sa layaw. Anak. Panahon na para magsaya, rock & roll hanggang umaga.
Si "Snow White" ang tukso sa kanya. 3rd year tayo, 4th sya. Naging close kami. Pero walang malisya. Tandang-tanda ko pa yung kanta na isinulat nya sa stationary. Ibinigay sa akin para daw ma-alala ko pag nag-graduate na sya.
"Wandering" by James Taylor
I've been wanderin' early and late
From New York City to the Golden Gate
And it don't look like
I'll ever stop my wanderin'
At syempre pa, si Victoria...na super crush ko nung una. Per naglaon, napalitan na rin sya ng iba. Si ano na...
Senti ba?
10 Comments:
Bro., di ko malilimutan si Snow White sobrang close nyo nuon. Kulang na lang eh magsubuan kayo. At wala palang malisya yun. So tama ka ang snow white eh kabaligtaran naman nang kulay nya.
Ang sarap isipin nang mga nakaraan. Si Marcial and Manuel na kadiis lang natin sa upuan. Wala na nga ba sila? Nakakalungkot naman. Nawa'y magkareunion din tayo kasama nila pagdating nang panahon (duon sa kabila).
Eh yung controversial na nagpauso ng knee high socks, naalala nyo pa ba.
Kundi ako nagkakamali soprano yung isa doun.... I mean alto pala, nasaan na ba sya?
sorry anonymous, hirap hanapin si elisa. di namin ma-kontak. pero andito sya sa Amerika. sana ok sya.
Yeah, nag-ibang buhay na si Marcial & Manuel. I'm sure masaya sila dun. Good guys go to heaven.
Actually, i can't remember her name. You are right, black-beauty daw sya. I like her. She's so fun to be with.
Si Snow White a.k.a. Jocelyn 'Joyce' Espino, how can I forget her. Sya ang lider namin nung araw sa mga lakaran etc. Isa syang tunay na kaibigan, in fact a really close friend, in words and in deeds. Sya ang gumawa ng speech ko sa klase ni Ms. Laniog na ang pamagat ay 'Kaibigan'.
I miss her smiles and her laughter. I miss her friendship and her care. I miss everything that we used to share.
Etong isang excerpt sa tula ni isinulat nya:
'The time we share together, will always last forever. Just keep it never, the way we were...
Hope she's doing well and if she can be there at the SDA reunion... well, it would be great.
Hope to see you again my dear friend!
pre, si cesar escalona & lamberto nicolas may balita ka ba?
Last time I heard, si Cesar E and Lamberto N ay nasa tabi-tabi lang. In fact they were once invited to attend the meeting but failed to. Siguro medyo busy lang pero they are fully aware of the coming reunion.
may plano kami ni marcy na pasyalan si gulapa sa kanila sa plaridel. alam daw niya kung saan nakatira. maybe next sunday, may lakad lang kami sa balucuc, apalit. then, pupuntahan na namin tuloy si dolores vasallo sa tabuyuc, apalit. nakontak din namin siya last week. thanks to ed dela cruz na nagbigay sa amin ng cellphone no. ni dolet v.
hello mga klasm8s. good day!
we also have another classmate na pumanaw na, si enrique timoteo. He's from balucuc.siguro, magre-reunion din sila sa ibang daigdig kasabay natin..
i had a sumptuous dinner c/o rolando bantog the other night with marcy, vic and eva. masayang kasama pala itong si rolando. tawa kami ng tawa. unforunately, walang me dalang camera so i just used my cp which is not good kc madilim.
good you're having a great time lil...i almost wonder what happened to you.
cheers!
Post a Comment
<< Home