Paalam na, paalam na, aking Maestrang Kuring!
Gunita ko’t, gunam-gunam…(Isang malayang taludturan)
Gunita kong makita ka sa umaga’y sapat na;
Gunam-gunam kong maisip na ika’y laging kasama;
Tanong ko’t balikwas sa isang pakling turing nila;
Walang habas na pagsagot sa inuring palamara!
Gunita kong inasal mong hinabi sa isang tupa;
Gunam-gunam sa diliryong ika’y laging tumatawa;
Pulos dampi ng pighating talos ko rin na daratal;
Walang layong umiwas pa kahit yaong sawing giliw!
Gunita ko ang aral mong sa isip ko’y tumitighaw;
Gunam-gunam na talakay sa talinong iyong bigay;
Kapalarang matiwasay na ‘yong laging pakiusap;
Talos ko rin na sa akin bukas palad na ibibigay.
Gunita ko ang disiplina na sa anyo ng pamalo;
Gunam-gunam na pakiwari, dahil ako’y iyong bunso;
Mahalaga’t itinuring na di iba sa kadugo;
Pagka’t batid na sa panahon, aakayin sa matino.
Gunita ko ang pagiliw na lagi ng sinasambit;
Gunam-gunam na nahirati, tiklop-tuhod sa pagkapit;
Balatkayo’y di naisip pagka’t sadyang iniibig;
Buong buhay ay ibinigay para sa yo’y itinangi;
Mapalad ka o Pulilan, napadpad ang isang Kuring;
Na nagmahal at nabigay ng buhay na ginigiliw;
Pasakit n’yang lubhang tamis di ba’t ngayo’y inani mo?
Sagitan ng mga anak na kahit na saan dako;
Sa relihiyon o palingkuran, pamumuno o serbisyo;
Ilang anak ang tumulad sa paghubog ng talino;
Ilang anak na tumulak mamuhay sa ibang dako;
Inhenyero o kimiko, peryodista o siruhano;
Abogado man o sundalo, ang ngalan mo ay itinanyag;
Kapalarang sadyang sulit, sa turo n’yang walang bahid;
Pagka’t sadyang ang ngalan mo sa puso n’ya iniukit.
Ngayon siya’y pumanaw na’t bilang isang ala-ala;
Di ba’t sadyang tama lamang, na s’ya ngayon ay parangalan;
Kahit sa huling sandali ng buhay nyang itinangi;
Sa dibdib mo ay ihimlay ang pagal n’yang katawan;
Di man sapat ang nakayanang sa saliw ng isang awit;
Paalam na Maestra ko, mahimlay ka ng tahimik;
Mga turo’y di mawawaglit sa puso ko at sa isip;
Kasama ka sa dalangin ko, magulang kong itinuring;
Paalam na, paalam na, aking Maestrang Kuring!
Written by Rene S.
7 Comments:
our town is grieving over the demise of one of the most beloved teacher of SDA. The overwhelming reactions to her departure only prove she's done her part well during her illustrious career.
it's really a big loss especially now that we're just months away from renewing our memorable past with her. If there's any consolation is the fact that we are sure she's in a much better place right now.
We are all going to miss her...
Rene . . . sigurado akong natutuwa si Ms Laniog kasi ang ganda ng tula mo para sa kanya. Mga salitang Tagalog na malalim at makahulugan (ngayon ko lang narinig at hindi ko alam ang kahulugan nung iba!) ay kakaiba at masarap sa pandinig.
ok ba? ito na yata ang pinakamalalim kong Tagalog (kaya mababa ang grado ko sa Pilipino nuon!)
may good news kami sa inyo mga klasmeyts. yung pinag-usapan naming(kasama na rin kayo)plano nila joey, eva,marcy, wena, orly, raquel and the rest tungkol sa pagbili ng sariling lupa para sa paglalagakan ni Bb. Laniog sa Garden of Love, plantsado na. dun sa last night ni ma'm Laniog naka collect kami ng more or less P41,000.oo. eva is very grateful dun sa batch '81 and i think it's batch '79 na nagbigay ng P21,200.oo.
sad to say 'di kami nakapagdala ng videocam para nakuhanan 'yung mga representatives ng bawat batches na nagbigay ng kanilang mga unforgettable memories during highschool days with Miss Laniog. 'di nakarating si joey para mairepresent niya ang ating batch. si eva na lang ang nagtake-over, but ang sinabi lang niya ay ang concept ng batch '78 na naging very fruitful that night. eva almost shed a tear sa mga nagrespond. lahat kami parang nabunutan ng tinik. everybody is happy that night sa kinalabasan ng plano. at ang credit ay sa atin ibinigay, kasi tayo ang nakaisip nu'n. ang original plan ay sa libingan ng bayan dito sa Paltao at sa apartment pa ilalagak ang labi ng dakilang titser ng bayan ng Pulilan.
anyway, GOD BLESS sa lahat ng tumulong sa ating mahal na gurong si Bb. Socorro Laniog. Pagpalain pa sana silang lahat.
Hello mga klasmeyts. Have a good day!!!
good to hear that, vic c. kahit man sa ala-ala'y nabigyan natin siya ng marangyang libing. tama lang para sa isang nilalang na nagbigay ng kanyang buhay para sa lanPuli.Kung tutuusin, higit siyang nagmahal, kahit iisiping isa siyang estranghero sa ating bayan.Taos sa puso, sampu ng aking mga kapatid ang aming panalangin para sa kanyang kapayapaan. Isipin n'yo na lang out of eight children, anim kaming dumaan sa kanyang pagkalinga.
Paalam na po , Maestra kong Kuring. Sa dako pa roon tayo'y muling magkakapiling. Maraming salamat sa lahat ng inyong pagkalinga. Mga turo ninyo'y isasabuhay namin sa mabubuting gawa.
Sa core group natin sa 'Pinas, you did a very good job.
Dear Ates and Kuyas,
I'm sorry for intruding in your site, this is Lou Tayao from Australia. Hope all is well with you.
Eversince I heard about Miss Laniog's passing, i've never been so uneasy in my life. I spent the whole weekend thinking about her, something is not right. Kaya minabuti kong pumasok sa blog to keep me in the loop and eto nga, I knew it, my ates and kuyas are trying to come up with money because you all wanted a decent memorial for her.
Can I still pledge, and if so - where can I send the money please.
I will appreciate if you email me (ltayao@westpac.com.au).
Thanks, kamusta sa lahat and again sorry for intruding.
Stay healthy and God Bless
Lou Tayao
Hi Everyone,
The last time I was at the sight, was on the 27/06/07.
I did not hear that you were trying ask for pledges for Miss Laniog, Lou & I would be happy to contribute. Eva, can you please email me or Lou.
(ltayao@westpac.com.au) (Lou)
taycontj@yahoo.com.au (TJ)
Thank you so much for all the effort & assistance your batch has provided her, in her last days with us.
**TJ**
lou, you're not in any way intruding...this website is open to all.
hope all is well with you too and sure glad to hear from you & TJ.
visit anytime...
Post a Comment
<< Home