Tuesday, May 01, 2007

Official Invitation Letter

This is the official invitation letter being sent out to all your classmates.
Written by Joey M.

Dear KLASMEYTS,

Mabunying pagbati!

Nawa sa pagtanggap mo ng liham na ito ay nasa mabuti kang kalagayan.

Nangyaring lumiham ako sa iyo dahil nung isang araw, napadaan ako sa dati nating paaralan. Napangiti ako at tila ba may kakaibang lukso ng damdamin na nag paalala sa akin ng masayang panahon ng ating kabataan bilang mga mag-aaral. Pagdaka’y ikaw na aking kamag-aral ang aking naalala. Pag-uwi ko sa bahay ay agad kong hinanap ang mga lumang larawan na aking naitabi bilang magandang ala-ala ng mga panahong nakalipas. Nangilid ang luha sa aking mga mata sa labis na kagalakan ng masilayan ko ang ating mga larawan. Parang kahapon lang na sa murang edad, tayo’y nagkakilala. Nagsama sa mga gawaing pampaaralan, naglaro, nagtuksuhan at magkasamang nagkopyahan. Para ko nang naulinigan ang ating halakhakan, nakikinita pati na ang mga pa simpleng ngiti kapag tayo’y nagkakasalubong. Pinagsaluhan natin ang mga munting kabiguan sa mga kompetisyong ating sinalihan ngunit ibayong pagbubunyi kapag tayo’y nagtatagumpay.

Nagagalak ako na balikan ang mga kahapong ating pinagsamahan bilang mga “estudyante”. Ngunit hindi sapat na alalahanin na lamang ang nakalipas. Nais kitang makasama muli, upang maging lubos ang aking kasiyahan. Ipahintulot mo na muli tayong magkita-kita --ikaw, sila, ako, tayong lahat. Isang karangalan kong maituturing na magawa nating magkaroon ngisang “reunion”. Halina kaibigan, tayo’y masayang magbalik-tanaw sa ating kamusmusan (kasi naman eh llebo 40 mahigit na ang edad natin ngayon!) Halika! Tena! Tayo na!

Umaasa akong tatangapin mo ang munti kong paanyaya sapagkat nananalig akong gayun din ang iyong damdamin, na tayo ay magkita, magkakwentuhan, magkabalitaan!

Lakip nito ang taus-pusong pasasalamat at dalanging patuloy kang pagpalain ng ating Poong Maykapal.

Nagmamahal,

KLASMEYTS

19 Comments:

At 5/01/2007 3:24 PM, Anonymous Anonymous said...

Makata talaga itong si pareng Joey. Alalaumbagay datapwat subalit! Mabuhay ka Joey! In short want you mean is..show up or else you will miss the fun! Kumusta kayo mga klasmeyts! Si Fr. Cess ito. I decided to join sa mga gusto mag-comment because I just wanna tell you that I'm praying for the success of this grandreunion. Nasa California ako ngayon. Dito sa St. Patrick Church. Its in a small city called Rodeo.If you happen to be near the area, just drop by and let's talk about life over a cup of coffee. Lalo na ikaw Ogie. Bili tayo pandesal at reno! Miss ko na yon! Sabihin mo kay Orly. Tapos pasyal tayo sa San Francisco. It's 25 minutes away from here. By the way thanks to Egay ,Orly and Raquel for all the support. You are in my prayers. If God wills it I will be seeing you in December. God bless you all!

 
At 5/01/2007 3:38 PM, Anonymous Anonymous said...

How nice to hear from you, Fr Cess. Best regards from Houston.

 
At 5/01/2007 4:54 PM, Anonymous Anonymous said...

welcome to our site Fr Ces! It's about time :-)

 
At 5/01/2007 5:15 PM, Anonymous Anonymous said...

Hi, Fr. Ces, nice to hear from you. Oo nga nakakamiss yung ginagawa natin nung araw nila Orly atbp. Sana ay ok naman ikaw dyan sa Northern California. Hayaan mo pag medyo may long weekend sisikapin namin ni Edgar na mapasyalan ka dyan.

Sana nga makauwi ka sa reunion natin para mas masaya. Lahat naman ay posible pag ginusto natin at siempre with God's grace.

Looking forward to meeting you again dyan sa inyo at siempre sa Pulilan.

May God bless you and all our klasmeyts always!

Thanks for the prayers!

 
At 5/01/2007 9:03 PM, Anonymous Anonymous said...

kumpareng fr. ces, yung inaanak mo kinder na this school opening, at ang favorite nyang laro, misa-misahan, even sa church, well behave at very attentive sa ginagawa ng pari, kaya pag sunday, pagkagaling namin sa church, lahat muna ng mass sa tv ang pinapanood, at sasabayan pa nya as if paring nagmimisa.
kasugiksuyan ta kamutangan kakaku-kako. estaberigey. ayusneyun. dyan ba father ces, walang bolang apoy tulad sa dampol, eh dahon lang pala ng katakpo!
so nice to hear from you. GODBLESS.

 
At 5/02/2007 3:04 AM, Anonymous Anonymous said...

It's been a while. I hope you still remember me. It's nice to hear from you. Thank you for the prayers Fr. Cess. I was in California last year. I met a few classmates like Egay, Ogie and Amelia. Next time I'm in your area I will visit you. If you so happen to visit Ontario, Canada call me.
-Digna

 
At 5/02/2007 3:10 AM, Anonymous Anonymous said...

Thank you for the invitation letter Joey. Miss Laniog will be proud to read this letter. Feel na feel talaga. As I always say to my kids "good job".

 
At 5/02/2007 4:54 AM, Anonymous Anonymous said...

digna, sorry di ako natuloy bumisita sa inyo. kulang sa time...at pera...hahaha...but i'm sure someday we'll get to visit your place. na miss ko ang kwentuhan natin...

regards to your family....cheers!!!

 
At 5/02/2007 10:15 AM, Anonymous Anonymous said...

Good day to everyone! Hi Zen! Nasa Houston ka pala. The last time we saw each other was when we visit Connie, right? Hayaan mo,pag may bakasyon ako I would love to go to your place. Baka may magpapabless ng bahay diyan? Tell them I'm available basta sagot nila pamasahe,hehe.Hello Digna, of course I remember you! Sikat ka sa klase kasi may tukso sila sa iyo. Ano nga ba yon, Joey? Anyway I was in Canada in 2001. My brother used to live in Toronto but now his family is in Brampton. Great! If I can visit them next year, it's possible that we could meet there... Joey, baka gwapo yang inaanak ko tulad natin eh baka pagkaguluhan ng mga girls. Ako nga eh, hirap na sawayin yung mga biyuda. Nagkakaselosan, kasi they want my undivided attention..hehe.Pero ano nga yung bolang apoy na sinasabi mo sa dampol?
God bless you all
Fr. Cess

 
At 5/02/2007 2:25 PM, Anonymous Anonymous said...

Howdy Fr. Cess . . . that's right, we saw each other Sept 2005 sa birthday ni cousin Connie. Btw, last time i heard she seems to be doing well :-)Great news!

You're more than welcome to come here. Just let me know your vacation days and i'll arrange something for you. I'll also start making the list of those who wants their house, cars, statues, pets, etc. blessed :-).

Have a great day!

 
At 5/02/2007 5:34 PM, Anonymous Anonymous said...

hello, everyone! i've always been proud of our batch. first and foremost reason, me 2 tayong kaparian. meron ba sila niyan?
fr. cess, you should be there in december because the program will start with the celebration of the eucharist, syempre to be officiated by you and fr. ex. and for u to make sure that you can go back home in december, ask your parishioners esp. the byudas to buy you ticket. i'm sure, they would be delighted to do that. the only thing you have to worry is that baka magsisama. iba na talaga pag ang pari pogi! he! he!

 
At 5/03/2007 2:38 AM, Anonymous Anonymous said...

Fr. Cess, Brampton is close to where I live which is Mississauga.
Don't forget to e-mail me or call me when you are here. Best regards!

 
At 5/03/2007 3:51 AM, Blogger noel asprec said...

Hey Fr Cess, kamusta na. It's nice to have someone like you in our batch. It doesn't make me a Saint but I feel so good and PROUD of YOU. In fact, ipinagmamalaki pa kita dito sa family, relative and friends ko. I can still remember the paint on the wall of your house that looks like a real printed wall paper pero paint lang done by your father. Nice isn't it? If you have plans of coming to Australia, don't forget to visit my place. I have plenty of friends in here but not byuda.......... ouchhh**** ayan batok ang inabot ko kay esmi. Hello to Zen and Digna

 
At 5/03/2007 4:11 AM, Anonymous Anonymous said...

noel, asan na family pic mo? di ko pa na-receive ei...

 
At 5/03/2007 4:40 AM, Blogger noel asprec said...

Egay, I'm having a problem sending it but I'll try it again.

 
At 5/03/2007 6:01 PM, Anonymous Anonymous said...

Pesensiya na kasi pround din po ako na may ka-batch mate tayong mga pari. At least, may padrino na tayo sa langit. Di ba Fathers ExCess?

 
At 5/03/2007 6:30 PM, Anonymous Anonymous said...

so nice to see that more are conversing ,kumpareng fr. ces, maganda nanay kaya gwapo inaanak mo.yung bolang apoy, hit na kwento , mas maganda pag magkaharap ang kwentuhan. hello everyone. hi digna,salamat po.sana nga maantig din ang marami, sana lahat.
kung nakatayo ka sa pinto ng cr ng female, sa tunog ng jingle alam mo na civil status nito.
dalaga - I WISHHHHHHH
MARRIED - ALWAYSSSSSSHH
BIYUDA - I MISSEDSSSSHH! !

 
At 5/03/2007 8:21 PM, Anonymous Anonymous said...

pareng fr.ces!, ang dalawang uri ng byuda, una- sumakabilang-buhay ang asawa, sumalangit nawa , 2nd- sumakabilang bahay, langit na naman!

 
At 5/05/2007 7:52 AM, Anonymous Anonymous said...

hello, fr.ces. this is rene san andres dito sa maraming naka-abitong saudi arabs. ikaw ang nagtali at nagbasbas sa aming mga puso ng aking butihing kabiyak. naaalala mo pa kaya? wala akong kamalay-malay, nanjan ka na pala sa malayong lugar. anyway, with your prayers and ours, we believe the reunion will be a success. with the very supportive people from around the world plus the very energetic guys and gals sa 'Pinas, I'm pretty sure, we'll have a successful reunion. I just want to quote kung ano yung tawag kay miss digna during high school. Di ba "miss d tagilid" (Cesar D. and Norberto R. Tama ba ako?) its because, di pantay ung shoulders n'ya. sori po!
zen, i happened to visit si mareng connie last month together with her inaanak. she's doing fine but i understand, she'll go for another round of check-ups this may. she looks very fine and jolly. kaya lets all pray for her.
good luck everyone!

 

Post a Comment

<< Home

Free Counters
Free Counter