Monday, October 29, 2007

Pulilan, Game KNB?

Exactly two months from today, magki-kita na rin tayo.

Napakadali ng panahon! Parang kailan lang ng umpisahan kong gawin ang website na 'to at i-announce ang planong grand reunion. Ngayon, eto na tayo sa pinakahihintay nating araw. Konting tulog na lang, masisilayan na nating muli ang isa't-isa.

Kapana-panabik, pero minsan nakakalungkot din kasi may mga klasmeyts tayong posibleng di pa rin alam ang ating planong reunion dahil na rin sa hindi natin sila makita o wala tayong communications sa kanila. Meron din naman na alam na natin na hindi makakarating dahil sa mga personal na kadahilanan.

Gayunpaman, nananaig pa rin sa karamihan ang kaligayahan dahil sa ito na yata ang pinaka-much publicized event, and many are expected to attend.

With the committee headed locally by Eva F, efficiently coordinating everything in that side of the world. And thanks again to many who offered their helping hands and creative thinking organizing the many different facets of the event.

I have no doubts in my mind that everything are now in order and almost ready, with very few little things to iron out here & there.

Game na sila! Ikaw, game ka na ba?

Saturday, October 20, 2007

Silent

...

...

...


...and that's the sounds of silence

Friday, October 12, 2007

Panatang Mag-kaibigan


Panatang Mag-kaibigan
Iniibig ko ang aking paaralan
Doon ako natutong mag-aral
At natuto rin sa bulakbulan.

Sa lahat ng panahon
na dito’y aking inilaan
Nakilala ko ang aking
mga pangalawang magulang

Ako’y kanilang pinupukpok
Ang pinangangaralan
Ang naging masama nga lamang
Minsan sila’y akin pang niligawan



Sa ngayong araw na ito ay pararangalan ko
Ang aking mga guro, kamag-aral at kaibigan
Sasamantalahin ko ang pagkakataon ito
Ang libreng pagkain sa hapag-kainan.

Pipilitin ko rin na aking gawin
Na ako’y hindi maging isang mahiyain,
Sa pakikipag-chickahan ng mag-damagan
Sa lantarang sayawan at walang-awang kantahan

Pagsisilbihan ko
ang mga titser ko
Na waling bahid na poot
mula sa grades na nagbagsakan.

At sisikapin kong uminom
Na parang marino
Kahit walang sisig, o crispy pata
At humahalimuyak na anino.

Tuesday, October 09, 2007

Cirque du Soleil

We will be celebrating 2 major holidays in the David households. Today is my wife's birthday, while on the 17th is our 15th wedding anniversary. Yeah, I know...that long! :-)

As you can tell, I could be in a dilemna here because of the significance of these dates.

Knowing my wife, or most women in general, husbands have to do something unless you want to spend the rest of the year sleeping in the couch, eating cold pizza and wearing un-ironed clothes.

For months, my mind was in circus as I have no idea what to get her or what to do to make it extra-special. Good thing someone made a suggestion and so I got it covered very early. I was able to snatch to front-row tickets to a show and also booked plane tickets to get us there, instead of the 5-hour road trip we normally take when going to Las Vegas.

Yes baby, we're celebrating Vegas-style. We're flying Southwest Friday night to watch this spectacular show.

LOVE brings the magic of Cirque du Soleil together with the spirit and passion of The Beatles to create an intimate and powerful entertainment experience.

With LOVE, Cirque du Soleil celebrates the musical legacy of The Beatles through their timeless, original recordings. Drawn from the poetry of the lyrics, the show explores the content of the songs as interpreted by innovative performances from a cast of 60 international artists. A youthful, raw energy is channeled through aerial performance, extreme sports and urban freestyle dance.

A unique soundscape of The Beatles music has been created for LOVE using the master tapes at Abbey Road Studios. The panoramic visual and surround sound in the custom-built theatre at The Mirage will envelop the audience who will experience The Beatles as never before…


You all know very well how especially important these occasions to most women, and men really needs to be more careful not to forget it at all.

Well...it is safe to say for this year, I'm fine. I've got it covered really well.

Boy! Am I glad for the next 12 months I need not have to worry about it...

...until today comes again! ;-)

Thursday, October 04, 2007

Desperate Husband

I myself wasn't very pleased with that line from that show Desperate Housewives.

Here's what Teri Hatcher's line said: "Okay, before we go any further, can I check those diplomas? Coz I would just like to make sure they are not from some med school in the Philippines."

Now, I'm so desperate to tell the show's management that that was a cheap shot against most, if not all of the Filipinos in the medical field!


And i'm also so desperate too to get near Teri Hatcher co'z she's so hot.

Ooppss. sorry, I digress...what can i say, i'm a desperate husband...hehehe

Anyway, I'm sure you're all aware of that recent brouhaha.

Admit it but there's really some truth to it, however, I believe the line will still be funny without mentioning the word "Philippines" or any other country for that matter.

I could understand some of us were offended knowing we Pinoys in general are sensitive people.

Oh well...always, the truth hurts...it just pissed you off at first!

But please..don't get mad at Teri Hatcher...I like her...a lot! :-)

Tuesday, October 02, 2007

Sa tula kong ito...Part 2 - by Rene S

Ako Sana’y Pagbigyan…

Bayan kong sinilanga’y dili iba’t ang Pulilan ,
Mga binata’y makikisig , dilag nama’y maririkit ,
Sa tahanan nitong ama , palamuti’y nangagsabit ,
Tanda ng kasaysayang walang patid iniukit.

Sa pagpasok mo sa Longos , kalabaw na nakaluhod ,
Ang sa iyo ay bubungad , masdan mong buong lugod ,
Sagisag ng isang lahing , sa D’yos Ama nananalig
Paniwala sa Maykapal , lahat yao’y binubunyi.

Ang Longos na nuong una’y tahanan nitong PI ,
Eskwelahang humubog din , isip mandi’y pinapanday ,
Kahit tabi nitong ilog , at sa isip na mahusay ,
Hindi na rin malilimot , ang talino sa pagsikhay.

Dumako ka pa roon , at Sto Cristo’y sasapitin ,
Lugar ng mga Ochoa , dakilang tao’t pinuno rin ,
Mga tao’y mababait , bukas-palad sa pagtulong ,
Katangiang sadyang likas , karangalang yumayabong.

Kung lalakad pakanluran , sa Cut-cot ay magagawi ,
Dito dati ang kiskisa’y ang hilera’y walang patid ,
Inaning palay sa kabukiran , dito lahat gigilingin ,
Sa pagdating ng tag-ulan , ay kaysarap na sinaing.

Saan mo ba makikita , unang tangke ng gasolina.
O Rural Bank ng Pulilan , marami ring natulungan ,
Hindi baga at sa Paltao , na susunod sa iyong dalaw ,
Kasingtamis ng kakaning , apelyido ni ka Islaw.

Ilang Dampol baga may’ron , di ko yata matandaan ,
Pero sulit na puntahan , lalo na kung sa tag-araw ,
Di na rin malilimot , penitensyang pinagmasdan
Tiwala sa kakayahang maghugas ng kasalanan.

Mga Dampol ring ito , tinatahak na baybayin ,
Ilog Angat na sagana , sa tilapia at ayungin
O kaya ay maglunoy , at sa tubig na kaylamig ,
Ginhawang dulot nito , sa kalamna’y sumisigid.

Kung sa tag-araw ding yaon at namasyal pa-hilaga ,
Dulong Malabon ang tutugon sa pagod mo’t pagkauhaw
Ilang kusing ang kailangan , sa bulsa mo’y di aapaw ,
Milon kaya o pakwan pa , lantakan mo buong araw.

Sa saliw ng ilang himig , ikaw kaya ay umindak ,
Ensayo ng musikerong , walang humpay sa pagbirit.
S’an kaya matutunton dili baga at sa Lumbak ,
Mahal na Senyor na patnubay , pintakasi kong ring tunay.

Sa Poblaciong itinangi , binibini’y bumibihag
Ng isip at kakayahang namulat sa kagandahan
Mga binatang na sa gilid mga taring kung turingan
Disiplina sa sarili’y aral na ring nasilayan

Sikat nuo’y Sine Aida , nang malao’y bolingan
Katabi nitong giliw , minumutya kong paaralan
St Dominic na tuwina , sa isip di nawawaglit
Ninais kong makita ka’t madalaw ding ilang saglit.

Lagi ka ba sa munisipyo , nitong bayang tinuturol?
Saan ka ba nahirati , pag napagod yaong binti ,
Espesyal na halo-halo papremyo na ituturing
Ilang hakbang mula dito’t narating mo na ang langit.

Sentro ng kasiyahan t’wing katorse nitong Mayo
Lahat-lahat ay luluwas sa karitong may adorno
Hila-hila ni kalakian , sa karera ay panalo
Kapagdaka’y lumuluhod , nagpupugay kay San Isidro.

Kapag ika’y pa-hilaga .mga nayong mararating ,
Tenejero’t Penyabatan , kabukira’y walang patid ,
Nahuhuling nga isda , sa tubigang malilinis
Sarap nito pag ini-ihaw sa ulingang nagdidikit.

Ngayon kaya’y makilala , kung bago na ang Parokya
Birhen Mariang Milagrosa , pintakasi ng balana
Dating nayong natutulog , ngayo’y gising sa pagsamba
Dinalanging mga biyaya , sana laging makamtan pa

Bakit kaya kakatuwang , ang hanggahan ay kalsada
Mga nayong Balatong A sa silangan ay makikita
Katapat nitong nayon , Penyabatan sa kanluran
Dati namang magkasama , isang pusod pinagmulan.

Dangan kasi’t makikisig mga binata sa silangan
Di naman pahuhuli mga dalaga ng kanluran
Sa saliw ng isang awit , lahat nama’y sama-sama
Sa sayawan o awitan , wala namang kapaguran.

Huwag ka ng pahuhuli’t , tuwing umaga’y liliksihan;
Sariwang gatas o isda man , sa Inaon ay agahan;
Magsasakang masisipag , mga inang masisinop
Kahit kaila’y di dadanas ng anumang pagdarahop.

Kasabihan na mabini , itong Birheng Peregrina
Mga dalaga sa nayon n’yay ito’y laging paalala
Kaya naman ang binatang minsan dito ay mapadpad
Asahan mong sa pagbalik , kasal agad hinahangad.

Kahit saan ka dumako , sikat ngayon itong Pugpog
Malinis na paliguan , sadyang di mo malimutan
Tingnan mo rin kapalaran dulot nitong kababaan ,
Tunog nitong mga motor , ngalan nito’y pinagmulan.

Sinadya kong ipahuli , ang baryo kong sinilangan
Baka kasi pag pinuri ako’y inyong mapulaan
Balatong B na sa pangalan inyo na ring katuwaan
Sa ibang salita kasi munggo lang ang kahulugan

Dito kasi sa baryo ko’y wala akong kakayahan
Dangan kasi wala namang maisip na katangian
Aha! meron pala , ito kasi ay manggahan
Piko’t kinalabaw , masarap din na pahutan.

Simple lamang at payak itong aking sasabihin
Balatong B na baryo ko , na tahanan ko pa rin
Isang tao ang isinilang at sa iyo ay nabuhay
Ako itong iyong anak , na makata kung mangusap.

Dangan kasi at kinulang , panahon ko at sa oras
Meron pa ring ilang baryo , na di ko man mahagilap
Ngalan nya’t katangian , lugar kaya at direksyon
Nahalata tuloy itong , memorya kong pumupurol.

Hayaan n’yo sa susunod , isusulat ko sa iskrol ,
Listahan nitong bayan , sa Pulila’y walang gatol ,
Bigyan kaya ng panahon , itong aking pananaghoy
Niluma kong mga bigkas sa tulang pinupukol.


Rene C. San Andres
Dammam , KSA
06 Sep 2007

Free Counters
Free Counter