Friday, December 16, 2005

No. 9 Reason Why You Should Attend the Reunion

- Rekindle or begin new relationships.

Di mo ba na-aalala nung araw marami tayo sa batch natin pero ilan lang ang pumapansin sa iyo o pinapansin mo? Not because kaaway mo sila or kaaway ka nila. Di mo lang sila kasama sa circle of friends mo kaya di mo napansin na si ano pala ay mabait, akala mo suplada. At si ano naman maganda or pogi pala, ngayon, nanghihinayang ka dahil di mo naging ka-love team, kahit kunwari lang :-)

Oh well, sa next reunion natin may chance ka na. Yung di mo ka-batian nung araw, may pagkakataon ka nang makausap sila. Malay mo, baka marami silang gimik na alam sa buhay, makatulong sa iyo o ikaw naman ang makatulong sa kanila. Oh kaya naman, may gusto ka pala sa kanya, eh nagkataon pareho kayong available pa, oh di ba, pwede ka pang mag-flirt or pumorma?

4 Comments:

At 12/16/2005 10:57 AM, Anonymous Anonymous said...

Talaga bang di nawawala yung feelings mo sa crush mo nung high school? Basta ako ang alam ko nandun pa din yun at hanggang di ko na ilalabas o nasasabi sa kanya ng harapan yun, nandun lang sya. Sarap lang balikan yun nakaraan, minsan masaya minsan malungkot, mas madalas nga malungkot eh pero ok lang dahil that's how we grow naman. Sana lang magkita kita tayong lahat sa reunion natin para masaya. You'll never know what the future holds, might as well take the chance to be happy so please be there. Ako kahit magastos I'm planning to be there. No excuses will be accepted lalo na sa mga nasa Pulilan, kahit magtago kayo susunduin namin kayo kundi susumbong ko kayo sa pulis. Hehe!

 
At 12/19/2005 2:24 PM, Anonymous Anonymous said...

Gusto nyo ba ng update? Well, during our last reunion, may classmate tayo na nailabas na rin ang feelings na matagal n'yang kinimkim para sa kanyang iniirog. Dahil dito nabigyan na n'ya ng katarungan ang kanyang puso na magsabi ng totoo sa kanyang crush.Kaya naligayahan kaming lahat na NAKASAKSI NG PANGYAYARI!!!di ba very memorable ang gabing yon? Kaya next time compulsary ang ang attendance para lumuwag din ang inyong mga dinadala sa inyong mga puso. see you then

 
At 8/13/2006 6:54 AM, Anonymous Anonymous said...

c ogie, alam ko crush n'yan. si MLS yata.

 
At 12/13/2006 11:21 PM, Anonymous Anonymous said...

in second the motion ni anonymous. ang alam ko and feel ko, MLS nga ang crush ni ogie. kc sa madalas na umpukan naming mga midgets, laging si MLS ang laging nababanggit. Ano Ogie, umamin ka na.hehehhe!

 

Post a Comment

<< Home

Free Counters
Free Counter