Ikaw, may ka-love team ka ba?

Kung may Vi & Bot, Guy & Pip, may "E & L" naman nung high school namin.Not only that, may "E & C" din, "F & C", at marami pang iba!
This time let's talk about "E & L". Ang natatandaan ko sa kanilang dalawa ay may naka-ukit na name nung girl sa puno nang bayabas sa school natin.Witness ako nung inu-ukit nung boy ang name nung girl during our recess yata.
Yung boy is known to be a neat-freak at yung girl ay mataray ang dating, pa ingles-ingles pa!
Oh, katuwaan lang ah! walang ma pipikon. Ang mapikon, pangit! hehehe.
15 Comments:
alam nyo ba kung sino yun?
Kung mahirap yan bakit di natin dagdagan. Nuon si E LnaL (as in Love na Love) si Z pero ewan ko kung alam ni Z. Ganuon din si F kay D. As far as I know, minsan lang nagbigay nang Card/Love note si F patago pa. I wonder kung nalaman ni D na galing kay F yun. Eh, si R kay A (di yan secret).
si E in love kay Z? hmmmm...iisa lang naman ang kilala kong Z ah! pero ang E, marami! sino kaya sa kanila? lagi naman akong huli sa balita....grrrrrr
Buti pa sila may ka love team, ako hanggang pangarap na lang. May crush din naman ako noon pero di ko sasabihin kung sino, hehe (baka kasi may magalit). Well, siguro sa tanda na natin na to ok lang sigurong sabihin. Pero sa kanya ko lang sasabihin para mawala na sa ken tong 'lihim' ko. Saka isa pa di puedeng malaman ng iba, baka ako mabugbog eh.
sa akin kaya, may nagka-crush?
Umamin ka na E. Ikaw lang naman ang alam kong may crush kay Z nuon eh. Secret natin yan pero ngayon dapat nang malaman nang lahat. Bahala ka nang mabugbog ni Mr. Z. Malay mo baka ngayon lang malalaman ni Z.
hahaha..sorry eva, ako rin, nalilito kung sino-sino yun. Inisa-isa ko nga ang mga nasa pict, baka maalala ko. Don't worry, the truth will come out sooner or later.
thanks for stopping by!
Hoy, ano ba kayo ba't puro anonymous ang nagsusulat dito. May itinatago ba kayo? Isang lihim na ayaw mabulgar? Hmmm siguro naman sa edad natin na 'to it won't make much of a difference na. Anyways, kung sino man ang may mga lihim dyan, sabihin nyo na kayo din malay mo baka nag hihintayan lang ang mga iba dyan. Hehe.
hahaha....sorry frank...if i tell you who are those people i was referring to, baka mapagalitan ako :-)
Huhula ako. For "E&L", E is for Egay or Edgardo and L for Lilia? For "E&C" is for Egay and Connie? and F&C is for Felix and Connie? Again, hula lang yan and for sure those hula are all wrong (sino nga ba ang aamin).
one thing is certain my dear classmates, that "E" is not me...remember "stick to one" ? ;-)
Hoy tumigil na nga kayo dyan sa mga initials na yan. Tatanda na natin para sa mga secret secret lab na yan. Gusto nyo bang malaman kung sino talaga crush ko nong high school? Sige aaminin ko na, ang crush ko non ay si ----
teka puede ba ibulong ko na lang, eh sori kasi kinakabahan ako eh. Kayo nga lang ang maunang magsabi, nahihiya pa ko. Di bale sa reunion natin, lahat ilalabas ko na. Baka magulat pa kayong lahat kung sino ang very special sa ken nong high school. Baka pati 'sya' magulat sa aking revelation. Hehe!
Nahihilo ako sa mga initials. Kelan ba ang revelations. Egay ang cute naman ng picture ni Vi and Bot. Nakakatuwa naman tayo! Favorite ko si Vi nung araw ang bakya no..........Digna
hehehe....sorry na lang si Guy & Pip. mas type ko si Ate Vi ;-)
ako walang ka-love team. good boy kc ako..he..he!
Post a Comment
<< Home