Ano Handa Mo?
Pyesta na naman sa atin. Luluhod na naman ang mga kalabaw!
I haven't been to our town fiesta in so many years. I remember in the past, i'm always a participant in the basketball tournament.
The most memorable game I played was during the championship game between Pook Dose & Riverside. Damn! If only I didn't not miss that first free throw shot, I made the last one, we could have been the champion...and i'm the hero...and MVP ala-Kobe...hehehe. We ended up losing in OT by 2 points.
Oh well, o ano may handa ba kayo?
8 Comments:
dalawa o tatlong banda ng musiko na nagpapaligsahan ang mga majorette sa ganda ng mukha, kinis at laki ng hita (hehehe! ito lang kasi ang madalas kong makita),hinog o manibalang na manggang palawit sa kariton, maskot na naghahagis ng kendi sa mga nanonood, nagsasayawang sundalo ng bawa't bisita kasunod ang kanila mga patron, mga dula o tagpo ng nanghaharana sa kubong nasa ibabaw ng truck, mga baklang nanlilimahid sa pawis o make-up na walang tigil sa kaiindak (minsan-minsa'y nag-i-split sa magalas na kalsada, sakit n'un), sari-saring pakulo ng bawa't baranggay, sari-saring pakulo ng mga malalaking kompanya sa pulilan, karosa ng iilang artista inimbitahan at nagtitiis sa kainitan, tagpo ng mga magsasakang kunwari ay nagtatanim, nagbobomba( nakapagtataka lang na ilan sa kanila ay magagandang lalaki at di mo aakalaing magsasaka sa kanilang bikas), o umaani ng palay (sa dami ng inaani, bakit kulang pa rin ang bigas?), mga makabagong makinarya sa pagbubukid na dili-iba't gawa lang sa lokal na talyer, mga mutya ng bawat sityo ng kabayanan, mga mutya at konsorte ng bawa't baranggay (kasama ang mga inang hawak ang payong, panyo upang hwa'g man lang pawisan ang mutyang anak), mga opisyal ng bayan na may iisang kulay ng kasuotan. Tampok ang karosa ng hermano mayor na nakahawak sa isang binti ni san isidro labrador na animo'y pinipigilan at baka makawala, kaalinsabay ng walang tigil na pagkaway. at ang tampok ng lahat, iba't-ibang laki, bilog o payat (may premyo minsan ang pinakapayat na kalabaw.pulot at darak para raw tumaba ang kawawang hayop) na hindi mo malaman kung minsan kung kalabaw o lamesang punong puno ng adorno sa katawan. Isa-isa o kanya-kanyang pasiklaban pagtapat sa simbahan. kanya-kanyang paluhod o patayo, na hindi na malaman ng tulirong hayop ang gagawin. samantalang kanya-kanyang kuha ng video o litrato ang mga turista.
sa ibang lugar ng kabayanan mayroon ding paligsahan ng karera ng kalabaw (tigidig-tigidig arya kalakian, kapag di tayo nanalo sa matadero ang tuloy mo!)
di ko na mapigilan ang sarili kong manghinayang sa mga bagay na ito. nakatutuwa man o nakakainis. nakatutuwa dahil, kahit paano,nanatili pa rin ang ugali at kulturang ito na sa pulilan lang makikita. kahit siguro dumating ang panahong maimbento na ang robot na kalabaw (lalagyan daw sa memory na sa tuwing katorse ng mayo, ang robot na kalabaw ay ipapaseo at luluhod sa tapat ng simbahan), mananatili ang pagdiriwang na ito. naiinis dahil kahit paano ang gawin ko, tutulo lang ang laway ko sa inggit sa mga taong naruon at kasalukuyang nagsasaya. lalo pa siguro kung sa bandang huli ng blog na ito ay may mga klasmeyt na magpapadala ng mga picture nila. pakiusap, h'wg n'yo ng dagdagan ang aking paghihirap..hahaha!
mr. webmaster, ang handa ko ngayon..panyong pamahid ng luha..huhuhu!
happy fiesta mga klasmeyt. ung handa nyo para sa akin, i-e-mail nyo na lang. h'wag lang litson dahil paniguradong di makararating.
Ciao!
i feel the same way. it's happening right now. i mean the description you have made, rene! di ba may 14 ngayon?
after the parade kainan na sa bahay. miss ko na rin yan. i've not been a part of it for about ten years now.
hapi fiesta mga classmates! ikain nyo na lang kami!
salamat sa gracious host namin kagabi, may 14 dito, as usual , kina orly & racquel kami nagdinner, sarrap ng kinain with matching masayang kwentuhan , marcy, vic & wena , kami pa rin ang present.
lil, ayan inumpisahan na ni yeoj ang pang-iinggit. tumakam na lang tayo at isiping kabilang tayo sa mga nagsasaya. hirap talaga ng mahirap, kinailangang isakrispisyo ang lahat. hay!
orly and racquel, masarap din ung mug-mog na natira tapos isasama mo sa sinangag na kanin kinabukasan, o kaya piniritong suman na may margarine, ipaksiw n'yo ung sobra sa lechon (although di na ako kumakain ng pork!). sansu, zen, digs, omer, dom ,kuyang frank, le prec, ano di ba kayo naiinggit?
huwag na kayong mainggit ikinain naman kyo ng mga bisita ko......... di kayo nalimutan regards na lang sa inyong lahat!!!!!!!!!!orly
rene . . . you're making us feel nostalgic na naman with your description. it's been 15 years na hindi rin ako nakakauwi sa fiesta natin. but the memories are still there . . .
Hello, klasmeyts, kaka inggit naman kayo. Buti nga kaw Zen, fiesta lang di ka pa nakakauwi sa Pulilan samantalang ako, di pa nakaka uwi ng Mahal na Araw, Fiesta ng Bayan, Undas, Pasko at Bagong Taon, waaaaaaaaaaahhhh!
Sana naman dumating ang panahon na makauwi ako dyan nang mga panahon na yun bago naman ako matigok, heheheh.
Anyways, matagal pa naman ang contract ko dito sa lupa, 200 years pa naman kaya I think I have plenty of time to make up for my lost time.
Para sa inyo mga klasmeyts ko, have fun na lang while you can. Life indeed is too short so try to make the best of it....unless you're like me who's planning to stay for the long haul, hehheh!
Musta na kaya 'crush' ko, ano kaya tatagal din kaya siya nang up to 200 years, hehehhe, I hope so.
Ingat mga klasmeyts ko and hope to see you when I see you!
Ogie
Pareparehas lang mga classmates, ako din nandito nga sa Pinas di naman ako naka punta sa Fiesta laging natatapat meeting / planning out of town pa kaya wag na kayo malungkot pag tanda na tayo week ng may 14 to 15 ang gawin nating reunion. Kumusta ka na Ogie da pogi?
Post a Comment
<< Home