Friday, March 23, 2007

Officers and Gentlemen

I was never an officer of any group or organization... not really a natural-born leader nor a people-person. But this group had it when we were in high school.

I totally forgot how anyone can become a CAT officer. Did we vote for them?


Well, mga kaibigan, eleksyon na naman sa atin! Like always, very confusing for many kung sino ibo-boto.

I must admit i was never passionate about politics. I've been indifferent and uninvolved all my life about the state of politics in our country. I am not driven to the same passion as I see in most people.

However, I feel there is still something I can do to help our ailing country. One is to spread my not-so-political views and maybe inspire people to vote more wisely. Please educate yourself of every candidate so you can make intelligent decisions.

I'm still not losing hope about the Philippines, kahit marami ang nagsasabi that we are hopeless!

This site has very useful information on the senatorial candidates’ profiles and platforms. Kayo na ang humusga kung sino ang may sense.

Sino ba talaga ang okay na officers of the law...and a gentleman of the people?

Funny, I didn't know Cesar Montano and even Richard Gomez knows anything about being a political leader.

Aba! Kung pa-pogian lang ang laban, dapat kasali ako dyan! hehehe....

oh well... I may never be an officer of any kind, but definitely will always be a gentleman of all time ;-)

46 Comments:

At 3/23/2007 4:36 AM, Anonymous Anonymous said...

Una's nagtaka ako kung bakit wala ako sa dalawang pictures. Pero sa huli'y naisip ko na kung lahat tayo eh nandiyan eh di wala nang privates. Kasi kailangan natin ang bawat isa (officers at privates) para mabuo ang tinawag nilang CAT nuon sa ating panahon.

Ngayon alam mo na kung sino at ano ang kailangan para magtagumpay ang ating GRAND REUNION. Officers at private, ikaw at ako parin di ba?. Ang mahalaga nasa'n kaman sulok nang mundo eh MAKILAHOK at MAKIBALITA ka sa pag-ala-ala nang ating PANAHON. Di man ang yung presensiya nawa'y ang iyong suporta.

Mabuhay ang mga nangunguna sa ating pag-alaala at pagsariwa nang ating PANAHON. Bumoto lahat tayo sa darating na pambansang eleksyon, mga kaklase ko.

 
At 3/23/2007 6:38 PM, Anonymous Anonymous said...

ed, we were not elected to be officers. we underwent many kinds of tests, u know.
as for the coming elections in our country, i feel nakakadepress talaga. di lang mga artista, pati nga si boksingero (ano na nga ba pangalan no'n?) paanong titino ang ating bansa kung ang nagpapalakad mga walang nalalaman?
hay, buhay!!!!!!!

 
At 3/24/2007 4:48 AM, Anonymous Anonymous said...

Thanks for sharing the picture. Ang gandang tingnan. Connie & I tried in the beginning but we decided not to pursue. For one, we can't scream softie kasi kami. Secondly, we got scared of the tests and initiation. I respected the ones who became officers because they have the guts. As far as politics in Canada, we have a new party leading the country kaya cool lang they are still impressing the people so they can stay on.
-Digna

 
At 3/25/2007 2:23 AM, Anonymous Anonymous said...

digna, my dear, tagal mong nanahimik a. i can't help react when i read ur comment. it's nice to hear from you, really!

 
At 3/25/2007 4:49 AM, Anonymous Anonymous said...

oo nga, pati si manny pacquio, kandidato na rin! ok sana kung barangay captain muna ang posisyon. at least di masyadong mataas compare sa governor.

oh well, kanya-kanya talagang diskarte!

 
At 3/25/2007 9:45 PM, Anonymous Anonymous said...

try muna

 
At 3/25/2007 10:03 PM, Anonymous Anonymous said...

Kumusta na mga klasmates? specially kayo dyan sa ibayong dagat,Lil im sori d man lang kita napasyalan ng umuwi ka.Sa SMC pa din me work last year sa magnolia div me lumipat after more than 20 years sa purefoods. ryte now ako ang Area Sales manager sa buong North Luzon, Sana kumpleto tayo sa darating na reunion natin. thats all muna mga kapatid coz i need to travel na to Pagudpod in ilocos diretso sa Isabela. thanks and more power to batch 78"

 
At 3/25/2007 10:12 PM, Anonymous Anonymous said...

Hey Raffy Boy, naks bilib ako sa yo ha. Big time ka pala, hehehe. Good to hear na successful ka now. I still remember nung nasa U.E. pa tayo at nagkakasama paminsan minsan.

Anyways mabuti naman at nakapag comment ka dito. Hope lagi kang magkaroon ng chance na magbasa despite your busy schedules. Siempre ganun din sa lahat ng mga klasmeyts natin. Pasyal naman kayo dito sa ting blogsite and try to leave a message or comment.

Kailangan natin kayong lahat para maging successful ang reunion natin.

 
At 3/27/2007 10:23 PM, Anonymous Anonymous said...

Mr Ogie the Pogi, san ka na ba ngayon? kumusta ka na? Swerte may wireless dito Cabanatuan nabasa ko agad reply mo.di ko pa nga alam na meron tayo nito si Minerva nagtip at nagturo sakin pano coment d2. Sana makumpleto tayo sa reunion. Ingat sir san ka man ngayon.

 
At 3/27/2007 10:44 PM, Anonymous Anonymous said...

Pareng Rufffy Boy, dito lang ako kasama ni Edgar. Buti naman at lagi ka ng nagbabasa ng blog natin. Ito lang ang means natin para magkabalitaan.

Ok naman ako dito awa ng Diyos at sana lahat ng mga klasmeyts natin ay maayos din kahit nasaan man sila.

Sana nga magkasama sama tayong lahat sa reunion natin this year. Excited na nga ako eh. Kaya nga panay hulog ko sa alkansya ng coins para may madukot ako pambayad sa eroplano sa December, hehehehe.

Ingat din Pareng Ruffy, at salamat sa mensahe. Uy, blowout mo ko ha pag uwi ko dyan, hahahaha.

 
At 3/27/2007 10:52 PM, Anonymous Anonymous said...

Teka maiba ako, hindi ba kayo nagtataka kung bakit wala kami sa litrato ni Pareng Raffy Boy atibp. Alam nyo ba kung bakit? Kasi kami ang dakila ninyong 'Barracks Boys', hahahaha.

At alam din ba ninyo na maraming kuwento kami tungkol dyan. Like pag special na babae, yung pinaka magaan na baril ang ibinibigay namin, hehehehe. Tama ba yun, pareng Raffy, hahaha.

At pag crush naman ng isa dyan, siempre espesyal na baril din ang nakareserba sa kanya.

Kung bakit naman kasi ang bigat bigat ng baril natin sa CAT. Halos makuba ang mga tao sa pagpasan nito. Pakiramdam mo tuloy para kang nagpepenitensya sa bigat, hehehehe.

Anyways, tanungin nyo na lang si Pareng Raffy Boy dahil sya ang lider naming mga barracks boys. Ang next in command ay si Norberto. At ako na ang susunod sa ranggo dahil wala nang iba pa, waaahhhh.

 
At 3/28/2007 4:32 AM, Anonymous Anonymous said...

hey raf, kumusta na dyan?

buti naman may access ka na sa website natin? at wireless pa!

ingat ka lang sa mga "chicks" dyan..err...ingat pala sila sa iyo! hahaha

 
At 3/28/2007 4:50 AM, Anonymous Anonymous said...

ang sarap magbasa ng comments, ang dami at nakakatawa. tama ka dyan ogie kung kayo ang taga bigay ng baril, ako naman ay member ng first aid - yung takot sa init. my kids are laughing at me dahil sa rank ko.

di pa ako tapos tignan yung last posting ni egay till now kinikilala ko pa yung 3 guys pero hindi ko ma-match yung name nila sa attendance sheet. with ladies of course walang kawala pero medyo hirap ako sa guys.

 
At 3/28/2007 5:02 AM, Anonymous Anonymous said...

it's so nice to read all your comments. tama ka susan. san, i didn't know member ka ng first aid, at ikaw nman ogie barracks boys pala kayo nila ruffy. hay, kakatuwa! ruffy, me utang ka sa akin kaya pag=uwi ko lagot ka, sisingilin kita! see u all at the reunion. o, malapit na!

 
At 3/28/2007 6:37 AM, Anonymous Anonymous said...

ogie / egay / susan/ Lil
ang bilis pala reply dito. from cabanatuan pagdating ko bahay pulilan tingnan ko ulit picture SDA cadet may reply na kayo. tama ka ogie the pogi alam ko si naty tinutukoy mo na laging may magaan na baril isang round tayo pag uwi mo just teke care always pre, and you mr. egay alam ko your in good status ryte now ayon sa usapan natin last time na umuwi ka just enjoy sir take care. and ms. susan kumusta ka na? sure maganda pa din san ka na ba ngayon? wherever you are just imagine those happy days and you will feel SDA days ingat lagi. ms. Lil ang ganda mo sa picture captain ka nun di ba? kaso di tayo nagkita ng umuwi ka dont wori sa reunion pag uwi mo bayad me. take care always. see you all in our reunion. praise to all organizers of class 1978. ALELUYA

 
At 3/28/2007 6:56 AM, Anonymous Anonymous said...

Yun anonymus nga pala pls indicate the name 4 us to recognize. tyak yu belong to class 78 so yu care. isa lang tayo 78" is 78" pls. ms yu ol.

 
At 3/28/2007 6:59 AM, Anonymous Anonymous said...

paktay nalimot ko din lagay name ko sa last anonymous its still me ruffy boy. sori po tao lang.

 
At 3/28/2007 1:18 PM, Anonymous Anonymous said...

San ko ba puwedeng makontak sila
Apolinio, Leny? pleaseee, saka yung kapatid nyang si Mauricio?



thanks

terek96@yahoo.com

 
At 3/29/2007 12:15 AM, Anonymous Anonymous said...

anonymous pa turo ka kay raffy pano lagay name mo! (joke Lang wag magalit)
teddy txted me nawala na raw pics of the before after lunch meeting--- yan kasi di nag iinternet dati pa!!
o la na kayo say ha! dumadami na kakosa natin.
Si ogie at raffy kunwari pa-- kaya di kayo officer e kasi 3/4 lang kayo waaaah!!! (joke lang ulit)
i remember aiders din ako kasi hikain ako bawal mainitan pero ngayon parent scouter ako sa school anak ko. low profile din nuon pero now pag anak mo pala ang may need kahit sumayaw ng otso-otso kaya gawin. soon recruit namin si Obet santos na nearly pala ay eagle scout na or eagle scout na nga.

 
At 3/29/2007 4:48 PM, Anonymous Anonymous said...

raffy, i'm here in guam. been here for 21 years with 2 kids & a loving husband.

eva, you're really right, kung nung high school takot tayo sa init
ngayon full support with our kids. i don't care kung masunog ako sa ka-che-cheer and sometimes ready to fight just to protect my kids. pero ibang enjoyment kapag yung mga anak na natin ang involve di ba?
lil, alam mo namang dehins ko kaya na maging officer sa CAT, but at least now I can say it clear na isa akong officer with my 2 kids of course my husband ang commander.
few more months my son Clark will join the Army so i'm really proud to be a parent of "army in one" here in guam.

 
At 3/31/2007 6:47 AM, Anonymous Anonymous said...

oh wow susan, proud mom of an American soldier! and so they say in the military...hu-ha!!!

 
At 4/01/2007 6:44 PM, Anonymous Anonymous said...

Napakaganda naman ng Video. nakaka touch. sure ako si Minerva ang may gawa nyan, but upon talking to her its you pala Mr. egay ang nag ayos, very good pre. And you ms Susan bonga ka, sarap siguro dyan sa Guam. tapos may Clark ka pa na mag Army dapat lang na maging proud ka. MR. Ogie di ka na sumagot? Sana mas marami pa mag comment d2 ang sarap magbasa pag may free time. Thanks and more power to batch 78"

 
At 4/01/2007 10:37 PM, Anonymous Anonymous said...

Raffy Boy ano bang tanong mo? Di ko yata na gets yun? Ang alam ko lang isang round tayo pag-uwi ko, tama ba yun? Bakit isang round lang, ayaw mo ba ng 12 rounds, hehehe. Boxing ba ang sinasabi mo, hahahaha.

Call ako pareng Raffy kahit na anong round ang tinutukoy mo, naks, basta may round girl din, bwahahahaha.

Tekas di ba sa San Miguel ka nag wo work? Naku baka mapasabak ako ng wala sa panahon nyan. Maamoy ko pa lang ang SanMig, tulog na agad ako, hehehehe.

Keep on commenting here you guys, it makes our upcoming reunion more exciting tuloy.

 
At 4/01/2007 10:41 PM, Anonymous Anonymous said...

FYI lang po sa mga gustong ilagay ang name nila sa comments i click lang po ninyo sa 'Choose an identity' yun OTHER tapos type ninyo ang name ninyo. It's that simple lang po and it's free.

Para naman malaman natin kung sino po ang nakakabasa ng blog natin.

Maraming salamat po and please keep your comments coming!

See you at our Grand Reunion!

 
At 4/02/2007 8:06 PM, Anonymous Anonymous said...

Wala naman Mr Ogie D' Pogi type ko lang makabasa marami comments pag nag open me ng page natin alam mo na ms ko na kayo lahat lalo kayo na malalayo palagay ko more than 20 yrs na tayo di nagkikita tanda ko si Zeny lang nakauwi last reunion natin. Tama ka sir sa San Miguel me work pero di sa beer sa Magnolia me, that means lahat ng Magnolia Spread, Cheese, Ready to drink and a lot more. pero pagdating mo maglasing tayo si egay lagi may uwi alak na arbor ko pa yung isang black level last time umuwi sya. OK na muna mga kapatid at tayo ng mag muni muni sa panahon ng Semana santa, God bless batch 78"

 
At 4/02/2007 11:28 PM, Anonymous Anonymous said...

Pareng Raffy Boy, puede na din sa ken ang queso de mola saka Magnobia ice cream, hehehehe. Samahan mo na din ng drinks na mango, guyabano etc.

Kaya lang puro panulak yata un, meron din ba kayon tinapay at ibang mabigat bigat sa tyan, hahahah.

Pareng Raffy Boy sa gabi lang ako nakaka check ng site natin kaya late na ko nakakapag comment dito. Pero sabi naman nila huli man daw at magaling (teka magaling kaya ako?) huli pa din, hehehe.

Sige Pards at magpapalo ka pa yata ng likod mo sa biyernes, hahaha. Pakisama na lang kami sa mga dasal ninyo para makauwi kami mga nasa malayo sa reunion natin.

God bless you all!

 
At 4/05/2007 7:02 AM, Anonymous Anonymous said...

dear classmates,joey manio po ito,muztah na kyo? okspa rin kami,just chilli'n ika nga.pareng egay, kudos to your mini film,ganda este astig,that's the term now.my dear wife n i just read the comments,cute lahat.your eagerness & enthusiasm for our reunion simply shows,say nga nung old advertisment"i can feel it"digna,susan,lilia ogie,ruffy,zeny,egay,basta lahat ng batch 78, a nostalgic feeling always touches us as we remember the youthfull once,iba talaga ang feeling pag classmates ang kapiling.missed you all, and hope to meet again,GODBLESSS and warmest regards to your FAMILY.xsm

 
At 4/05/2007 7:01 PM, Anonymous Anonymous said...

Joey buti naman at nakasilip ka sa blog natin. Matagal na kaming di nakakabalita sa yo (at least kaming bihira mauwi dyan). Glad to hear na ok naman kayo ng family mo. Balita ko meron ka nang napatapos na anak sa college. Good job! Nakukuha talaga sa tyaga ang lahat ng bagay.

Ilan ba ang naging anak ninyo? Hope to see you sa reunion. God bless you and your family especially this coming Easter Sunday.

Ciao!

 
At 4/06/2007 12:51 AM, Anonymous Anonymous said...

ogie my friend, long time no see , no hear pa. just recent lang nag continous ang connection ng internet namin,so try ko agad to connect wt u guys.3 na graduate namin ng darling ko.electronics n communication engineer yung eldest,now working at trendmicro phil.,our unica hija,education major in computer working at smart telecom company, yung third just graduated,nursing course last march 23.the 4th just 5 years old nasa pre school.

remember yung declamation piece mo, cry of a kanto[t]boy, pag uwi mo isample mo.dami tayo kwentohan,pero for sure di na tubig na lang para sa iyo.

we will be trying rigorously to reach out to all our classmates para makarami tayo,it will be a collective effort nating lahat, simply becoz it is our occassion, our gathering, our reunion.
hasta la vista , ogie
joey maño

 
At 4/06/2007 5:09 AM, Anonymous Anonymous said...

Sir Joey parang ako yata ang tumira ng " Cry of the Canto Boy " kaso tinalo ako ni Luisa. Anyway ikaw pala anonymous hirap na hirap na ako sa pag hula pakilagay nalang sa username sir para kita agad. By the way pre baka pwede natin ilagay sa invitation natin itong website para mas madami pang batch 78" ang malaman natin kung san sila at magka kumustahan, baka may clasmate na tayo sa malacanang di pa natin alam. Oki? Hapi Easter to all, Godbless batch 78"

 
At 4/06/2007 4:38 PM, Anonymous Anonymous said...

Oo nga pareng Joey, I still remember that at tama si Raffy Boy sya nga ang pangalawa sa actual contest noong St. Dominic's Day celebration natin.

Good to hear na tatlo na pala ang napa graduate mo. Teka parang may pahabol yata (pre school), hehehe. You still remember pala nung nagpunta tayo sa bahay ng gf ni Felix (saan na nga pala si Pareng Felix)nung, medyo naubusan ng soda (lakas nyo kasing uminom, haha), di bale sa reunion, di lang tubig iinumin natin, sagot daw ni pareng Raffy Boy, hehehe. Teka gumagana pa ba ang 'gripo' mo sa leeg? Naalala ko pa ang kuwento mo noon tungkol sa panyo ng lalaki saka babae kung bakit magkaiba ang sukat. Natatawa ko pag naaalala ko (bwahahaha).

Nar na pala ang isa mong anak, thats good. Teka with 'S' pala yun. Sana pakuhanin mo sya ng NCLEX exam para makapunta sya dito sa US.

Alam mo Mr. Joey Boy, idol kita nung nasa high school tayo (ma chicks kasi, hehehe, joke lang po Mare)ang toto kasi malakas ang loob mo (lalo na sa mga chicks, joke ulit). Sa Lumbac pa ba kayo nakatira yung malapit kila Moya?

Hope to see you sa reunion!

 
At 4/06/2007 6:54 PM, Anonymous Anonymous said...

gandang morning , as in a blessed day to all you batch 78 bloggers, bagito pa lang kasi sa system kaya pa-anonymous muna, at the same time, pa-cute ng konti. sir raffy, thanks for updating na ikaw pala ang tumira ng "cry of a kanto(*) boy.ganyan karami pa talaga we all need to recall about our happy days of the year gone past.by the way d ako yung unang anonymous,kung sino man sya, eh magpakilala ka titah!me make sure that i put my name. ogie ,kindly refresh us about why the size ng panyo ng boys differs from d girls. sa dami ng jokes, its nice to hear , these funny naughty jokes makes us connected.
raffy, we will implement your suggestion.the more inputs we share, the easier we can prepare for our pinanabikang okasyon, like seeing some of our girl classmates turned n bloom into a HOT MAMA, he he he !basta ang mahalaga, eh yung importante, n don't forget mga friends, SAAN MAN KAYO NAROROON,NANDYAN KAYO, at nandito man kami, nandito pa rin!
egay- este eddieboy, hoy bro , kumibo ka naman, iyo pa naman gamit nating site. muztah !
HAPPY BLESSED TO ALL OF YOU & your BELOVED FAMILIES. joey m. maño
p.s. say ng isang bading na kandidato sa isang all male audience, "dili ku kailangan ang supurta ninyu , ang gustu ku lang ang BUTU nyo!"

 
At 4/06/2007 7:09 PM, Anonymous Anonymous said...

joey, may email address ka ba so I can include you sa listahan ko for website update notification.

in case u have not seen it, i welcomed you sa last posting ko about "Holy Week". just go to the main page para makita mo ang latest post and comments from others too.

 
At 4/06/2007 7:27 PM, Anonymous Anonymous said...

pareng egay, pag nigawa na me ng anak ko, you'll have it. pagtyagaan muna d2,cge pero kahit d2, paki publish e-mail addrs nila zeny, digna, elisa , francis d., lilia , susan.
magmemeet uli batch dis april n may. dami pa dapat plantsahin , pero kaya natin ito. rgrds n godbless.

 
At 4/06/2007 7:37 PM, Anonymous Anonymous said...

joey, i have all the email addresses you've asked including more of our classmates. i think i have about 30 of them in my list. pag may email add ka na, i can forward all of them to you.

cool?

 
At 4/06/2007 7:58 PM, Anonymous Anonymous said...

ok bro, thanks. pag meron na me e-mail adrs, you'll have it , so that i can have theirs too, sounds naughty, well thats us, naughty by nature , but as you've said always a gentleman.
cool!

 
At 4/06/2007 9:43 PM, Anonymous Anonymous said...

Pareng Joey Boy, di puede dito sabihin ung tungkol sa panyo. Sa reunion nalang natin ko ipapa alala sa yo, hehehe.

Si Escalona nasaan na? Naalala ko pa yun nung araw nagka gf tapos parang nagsumpaan pa yata sila ng gf nya sa harap ng 'altar.'

Ako ang istorya ko nang magka gf ako si Lito Villar ang nakaka alam kasi sya ang messenger ko, hahahaha.

Napansin ko ang haba ng comments natin na dito baka di na sya magkasya kaya lumipat na tayo ng ibang posting dito sa blogsite.

Magbigay naman kayo ng something na puedeng i post dito ni Edgar para lalong masaya. I'm sure marami kayong kuwento about your experiences in high school. Sabi nga nila, don't be shy, hahahaha.

Pareng Joey, nasabi ko ba sayo noon na crush ko ang kapatid mo, hehehe. Di ko lang alam kung sino dun but I guarantee you na isa sa kanila (babae siempre). Teka may kapatid ka din bang lalaki? Parang yung dalawang babae lang natatandaan ko. Yung isa mas matanda sa yo saka ung isa naman mas bata naman.

Pareng Joey buti ka pa marunong magplantsa ako wash n wear lang dito, hahaha. Di kasi ako marunong magplantsa saka isa pa wala akong plantsa saka kabayo (waaahhh). Kaya wag kang magtaka pagdating ko sa reunion na lukot2 ang damit ko, hehehehe.

Ok mga klasmeyts hope you have a very Happy Easter Sunday. Sandali na lang mga kapatid at Grand Reunion na nati, yehey~!

 
At 4/08/2007 5:28 PM, Anonymous Anonymous said...

Pareng agay paki email mga address classmates natin. sa yahoo rrl1961@yahoo.com wag na dun sa email ko sa smc. Sir joey pag nalagay sa invitation ang website natin mas masaya. ano ba tungkol sa panyo? Eto joke sagot kayo lahat ha. ano sa tagalog? Panty, Brief, Silya, wheelchair, Suka?

 
At 4/08/2007 7:50 PM, Anonymous Anonymous said...

sir raffy,
panty - salung-guhit
brief - salung-bola
silya - salum-puwet
wheelchair- salumpo [sic]
suka - ?
ano nga ba, datu puti kaya?
minsan gawin natin meetings ng boys, per zone , lugar na near each barrio to consolidate the boys. magpapagawa me e-mail ad sa anak ko, so we can have each other's ,sana pati PB, as in pura B.
rgrds & GODBLESS.
P.S. mag meeting uli tayo kina kano sa fiesta nila.

 
At 4/08/2007 10:59 PM, Anonymous Anonymous said...

Yung tungkol sa panyo ang natatandaan ko lang was the way Pareng Joey described it, hehehe. Yung panyo daw ng lalaki kaya mas malaki kasi pamunas ng braso. Sa babae naman kaya maliit kasi pamunas lang daw ng pagitan ng daliri.

If you still can't get it Pareng Raffy Boy, just ask Joey, I'm sure ma remember na nya now, hahaha.

Hey dun na tayo magpost ng comments sa unang (nasa itaas)posting para di na masyadong humaba dito. Baka di na sya magkasya.

Have a good week, everyone! Talk to you tomorrow! Believe or not ito lang ang taga aliw ko sa mga panahon na to. Hope you'll continue to check ang leave comments dito. Maigsi man o mahaba ok lang basta mag iwan lang kaya ng bakas, okie dokie?

 
At 4/09/2007 3:26 AM, Anonymous Anonymous said...

Joey boy muntik mo na madali lahat. ok yung suka SA LUMpia. anak ng baka ( di si noel yun ha ) yun pala storya ng panyo sa braso pumatak thanks ogie the pogi.

 
At 4/10/2007 12:04 AM, Anonymous Anonymous said...

Raffy Boy tagal mong nawala ha. Magaling na ba ang likod mo(after na magpenitensya ka, hehehe)?

Ah yun pala ang meaning ng suka (sa lumpia) kala ko kasi nagkamali ka lang ng pag type. Anyway ako naman puede kaya kumatok (knock, knock po yun, hehehe). Ok I'll take your silence as a yes,bwahaha.

Ogie Kumakatok:
Raffy Boy: Sino po yan?
Ogie: Willie Revillame
Raffy Boy: Willie Revillame who?!#%

Revi: Mr. Hatsing kumusta na po kayo.

Mr. Hatsing: Ok naman ako Revi salamat, ikaw Revi kumusta na ka?

Revi: Ok lang po ako Mr. Hatsing, thanks! Bakit bihira na lang po kayo mapasyal dito lately Mr. Hatsing?

Mr. Hatsing: Eh kasi, pano naman ako ma Willie Revi..... llame loko dito.

Hehehehe! Sori guys and gals yan lang ang nakayanan ko, hahahah. Isip ulit ako ng iba bukas ha baka hindi na kayo magalit sa inis, hehe.

 
At 4/10/2007 1:06 AM, Anonymous Anonymous said...

ogie,
meron apat mongha, nagmalengke.punta veggie section . buy bg talong. 5 pcs. for P20. ask nung youngest, sister, eh apat lang tayo, paano yung isang talong?
"kakainin!" say nung tatlo.

merong isang death convict na nag-decide to donate his organs, first his kidney, next his eyes, and so his arms, legs, even his vital one. a patient ask for his heart,if his sentence will be executed. he readily agree, but the chief warden behemently denied that requst saying,
"hinde na pwede , unti-unti ka nang tumatakas eh!"

 
At 4/25/2007 9:13 PM, Anonymous Anonymous said...

nangawit daliri ko ka-ki-click saka panga ko katatawa. nakatingin tuloy katabi ko at pati ako e pinagtatawanan.
gud to hear from you klasmeyts and i suppose everybody have fun going over your blog. its good medyo nahinto kasi, masyado ng mahaba. happy blogging.

 
At 4/25/2007 9:16 PM, Anonymous Anonymous said...

we'all ako private din at company flag(guide-on) bearer sa bravo company. si wally manalad ang co. commander and medyo natatakot whenever magbibigay ng command na "tanghal"! kasi baka raw siya tamaan ng flag.

nasaan na si wally manalad?

 
At 4/27/2007 10:14 PM, Anonymous Anonymous said...

san na nga ba si wally? and of course, luisa and elisa. hello! where art thou, people?

 

Post a Comment

<< Home

Free Counters
Free Counter