Monday, March 12, 2007

the "before after lunch" meeting

Here is a rundown of what transpired at the last meeting held @ Rowena's place as reported by Eva.

Attendees: 1) rowena 2) eva 3) teddy 4) claire 5) germie 6) ester 7) cora 8) marcy 9) joey 10) libring 11) eddie 12) truit 13) anabel 14) tino 15) felix 16) raffy, 17) racquel 18) orly 19) cesar d 20) mar tenorio 21) lilia on long distance call

It was a nice day because more classmates came. though we call them at 12pm-- they started coming at 12:45 to 4. Nag hiwa-hiwalay kami 5 min before six.

we had a very nice lunch then-- inihaw na hito at tilapya, kalderetang manok, bbq, kare-kare, pancit for miryenda, marcy brought tube ice and sugar- free Pepsi.

Teddy brought a bottle of strawberry wine which the "boys" said "kulang ng gulaman at sago".


Joey also brought a bottle of red wine na ganun din daw kulang ng sago't gulaman. Then, Orly and Racquel came in with puto bibingka.

Raffy came in with some magnolia waffle and pancake mix ( na tinake home namin na mga mommy)


i came early to help Wena prepare. Nung medyo late na at wala pang dumadating, Wena said pag wala dumating di na tuloy ang reunion!



We went to Libring's place which is 2 houses away from Wena's. Humingi kami ng mangga para maging sawsawan ng inihaw at pinalipat siya. Nung dumating sya dala nya ay maraming indian mangoes. Nakalimutan ko mag uwi pala!


Lilia called up and was on the phone until my cellphone dropped dead--- na low bat na. she was able to talk to everybody kaya we were able to start huddling after my phone dropped dead. Sorry, Lil kasi good for 2 hrs lang ang battery ko at pasong paso na kami sa phone!

pasensya na at di ako marunong mag take down ng notes--- i had only a few lines and quotations as ff:

Emmanuel Navarro- isang klasmeyt ay di nakapag-asawa pumuti ng lahat ang buhok - kasi daw di magkaka-anak. Ask ko kung "baog ba?" di naman daw. Nagpa-vasectomy lang pero ___________ naman (di ko na isulat name hulaan na lang nyo saka fill nyo blank)


then, meeting proper na. Walang usapang tungkol sa pulitika at religion.

we talk about the funding-- which Libring asked kung how much is the donation or contribution kasi daw yung iba na di capable--- so Joey explained na okay lang yung wala talagang ibibigay kasi nga voluntary and all that. Ang first move lang muna ay ma account lahat at malaman ang extent ng willingness nila mag attend. Then siempre yung usapan na walang isasama na extended family.


as per Emmanuel Navarro "sabihin lang kung sinong asawa? TUNAY o PALTIK--- so in chorused sagutan kami --- WALA MUNA KAHIT ALIN>

The main reason for having this reunion is to meet again everybody-- so Joey had already explained the would be sitting arrangement and movements and games so everybody could mingle with everybody. Walang grupo-grupo---- Buoin muna ang bonding-- no alcoholic drinks- interaction- videoke.


Felix brought up also the place na "Butterfly Haven" dito rin yun sa pulilan lagpas sa simbahan ng Birhen Biglang-awa. The place would be later on pag-uusapan.

Then, di talaga maaalis ang pasulpot-sulpot na paglalabas ng mga nasa damdamin ng bawat isa---- ( yun yung mga kagaguhan at nakakatawang ala-ala ng high school)

Magic 11 -- which Felix said "Kami yon!"

i thought yun ang nagsuot ng knee socks tapos sila racquel pala yun.

then yung nag speech daw ng "Thank you for voting people!" sino yon? until finally when Germi saw my notes sabi nya si Roberto Galvez daw yun sa I-S.

and the likes----- Buro, Baka, at marami pang ibang alyas, 7-11 nagkita, bumibili ng band-aid na malaki na may wings, mahirap magpa-alam sa asawa- bakit nagseselos pa ba? tumatakbo, nagkasalubong sa recto may hawak na tik-tik kasi working student (which akala ni Germi ay walis ting-ting kasi working student), xl pink panty ni miss babalcon na nasungkit ni Libring na ang pasimuno ay si Roman Esguerra.



"wag mawawala si Pura (bong bundoc), Adelaida Duncil, Carmelita Guingco---- at si Zenaida Zayco (yata) susunduin daw ni Kano which is okay lang daw kay Anabel--- pero sa amin hindi okay kasi di naman pala natin ka batch yun. ahead tayo ng 1 year. Gumitna si Germi at dadaanan ni Emmanuel Navarro (i have written Manuel Navarro and he corrected me that it was Emmanuel)

to sum it up--- it was indeed a very succesful meeting--- kasi we are meeting again on May 6 at Pulilan Resort c/o Tino. Fiesta sa kanila. ang time? BEFORE AFTER LUNCH????


what ever. sagot nya ang lunch, magdadala kami what ever na madadala namin. o okay di ba? we are growing and moving forward to the Grand Reunion on Dec 29, 2007!.

3 Comments:

At 3/19/2007 5:11 PM, Anonymous Anonymous said...

nagulat ba kayo sa nagyaring meeting ng mga pogi at magagandang classmates kaya wala na sa inyong nakapagpost ng comment? Kulang pa nga ang report. Di ko naisulat na kaya late si Kano dumating kasi nakipag meeting sya sa mga ibang "apostoles" na kasama niya. remember HOLY WEEK na naman! (nagpakasanto muna siya saka siya bumawi sa meeting)

Well, yung ibang classmates ay asking na for another meeting this April--- medyo matagal daw kasi masyado ang scheduled May 6 at baka magkatamaran although everyone confirms of attending. At least nagiging aware na sila. Iba nga classmates nagbabalak na ng regular meetings like playing badminton or just walking together. Kaya Lil handa mo na ang mga steps mo at baka pagdating mo "Ballroom dancing" ang mangyayari.

 
At 3/19/2007 11:27 PM, Anonymous Anonymous said...

Tama ka dyan, Eve, medyo nagulat nga ako at nag isip kung sino yung mga nasa pics, hehehe. But luckily nakilala ko naman silang lahat medyo natagalan lang konti sa iba. Muntik na nga akong magpalit ng salamin sa mata buti na lang naalala ko silang lahat ng nasa pictures, hahahaha.

Sige padala ka pa ng maraming pictures nyo para naman kaming nasa malayo eh feeling malapit na din dyan.

Ano ba ang papel ni Kano sa Holy Week? Alam ko isa sya sa hinuhugasan ng paa pero sino ba sya dun sa mga Apostoles?

Nakaka miss din ang Holy Week, sana someday maka experience ulit ako nun dyan sa Pulilan. Siempre miss ko din ang fiesta, All Saints Day at siempre Pasko at Bagong Taon.

Sabi nga kahit saan pa man tayo makarating babalik at babalik pa din sa lupang hinirang, heheheh. Kelan kaya yun, waaaaaaaaahhh!

 
At 4/10/2007 5:41 AM, Anonymous Anonymous said...

as always, laging masaya pag together again ang batch. definitely never boring, never a dull moment. surefire ang tawanan, reminiscing,tawanan, dyan pa lang busog ka na. laughter is the best medicine, as said, in fact ,having such moment makes us rejuvinated, feeling young,ika nga.no stress at all.talagang masaya kayong ka-BATCH. GODBLESS US ALL!!!

 

Post a Comment

<< Home

Free Counters
Free Counter