Love works in mysterious ways
Sino ang mag-aakala na ang dalawang 'to ay magkaka-tuluyan? Nagulat ako nang malaman kong Orly & Racquel got married. Was there something about them in high school that we didn't know? Kailan ba talaga nagsimula ang love affair nila?Just like Kano & Annabelle, it all just came out of the surface just like that without a warning...only after when all things "said & done", if you know what i mean. ;-)
O baka naman ako lang talaga ang wala sa sirkulasyon kaya huli lagi sa balita? Kung sabagay, during those times, talagang nasa malayo na ako. After college kasi, nag-Saudi na ako for 3 years then sa Japan naman for 2, tapos dito na ako sa US since then. Sayang lang at hindi kami nagkita nung isa dyan sa Tokyo when we were both single pa. Malay n'yo, kung nagkita kami dun, baka may pag-asa pa ako...baka kami ang nagka-tuluyan! hahaha.....
Talaga nga naman ang pag-ibig....napaka-hiwaga!
11 Comments:
cno ba yung isa jan? May pagasa na ba cya nuon?
Di ko nga alam din na sila na pala. Ano kaya ang nangyari, di kaya dinaan sa bilis, joke, hehe. Basta nabalitaan ko na lang na ikakasal na sila at nakasama pa ko sa mga abay, hehe. Pero nung araw barkada kami ni Orly at Fr. Ces lagi kaming nagkikita pag gabi at kumakain ng hot pandesal ni Ka Feling. Nakakamiss din yung mga times na yun.
I'm happy for both of them sabi nga it's a match made in heaven, kakainggit tuloy, hehe. Talagang ganyan lang ang buhay, tapat tapat lang. Kaya kung matapat ka sa bungi, eh sori ka na lang. Di bale papastiso mo na lang kaya, haha.
kaya nga siguro puro "baka" ang sinabi, di sigurado! Pabayaan n'yo nang mangarap nang mangarap! :-))
Pero ang sabi nga nang iba, habang may buhay, may pag-asa! Oh di ba, di pa huli ang lahat, o talagang huli na? HAHAHA
kayo talaga! kunwari man na may katiting na pag-asa, alam n'yo naman na hindi na rin pwede...we are both taken na!
pero on the contrary, ok lang naman sa akin kahit "taken" na, di naman ako seloso eh! hahaha...joke lang po ah!
It's called fate or destiny. If it's not meant to be then it's not meant to be. We were at the same place at the same time once a upon a time, but what happened was the opposite of serendipity. We did not meet.
Anyway, Orly and Racquel's love affair is indeed amazing and an inspiration in durability. Since highschool? wow!
For those of us na hindi nagkatuluyan - the memories are still there to reminisce. Keep in touch and stay as friends. Have some good laughs about those crazy high school days.
if there is anyone who knows everything about their love affair, ako yon. he ! he! i know every detail. barkada kami nyan nung mga panahon na yon. hay, kakatuwa reminiscing those days. nanunumbalik sa aking alalala ang lahat. don't ask them, di nila sasabihin. ako ang tanungin nyo!
Teka, Lil bakit hindi yung lovelife mo nung high school ang ikuwento mo, hehe. Alam na kasi nang lahat ang tungkol kay Racquel at Orly pero i'm sure maraming di nakaka- alam ng love story mo noon, di ba at isa na ko doon.
Sige simulan mo na ha,malay mo baka mapaamin mo tuloy ako sa bandang huli kung sino ang lab ko noon, haha.
ogie naman, bakit si lil ang inatake mo, wait until egay post something about her, then saka tayo sumagot. but that's true gulat tayo kapag magka-batch ang nagkatuluyan like racquel & orly, but then as zeny said sila talagang magkapalad, so it's really precious na makita mo sila together forever di ba?
sige lil start mo ng kwento ng pag-ibig ng 2 superstar.
Lilia Samson. Di ikaw yung kumanta nang Bato sa Buhangin? Kung ikaw yun, di mayroon tayong nakaraan...
ito bang si Orly eh anak ni Ka nene, na dating meron silang tindahan ng halo halo?
yup! that's orly....anak ni ka nene halo-halo...
Post a Comment
<< Home