The world is an apple
Siguro natatandaan n'yo ang play na ito noong high school dramafest natin. Dito nanalo nang best actress si Digna B for her portrayal of the wife."Mario, is this what you mean by another job?...oh mario...."
Of all the plays shown, ito ang paborito ko sa lahat. I've always wanted to play the part of Mario, the husband. It was one of my frustrations in high school. Di ako napili to play any part sa mga acts. Hindi yata ako paborito ni Mr. Villarante eh! or di talaga pang-showbiz ang dating ko? :-)
"Honesty, is this what you call honesty? Living in this dungeon you call a house? Honesty!!!"
Kita n'yo naman, kahit papaano, natatandaan ko pa ang linya. Dahil sa sobrang inspired ako sa play na ito, lagi kong napapanaginipan.
Pero alam n'yo ba na ang play na ito, kasama ang "Cadaver" at ang "Condemned" where Cesar (aka "kano"), won the best actor, ay sinulat nang isang Filipino playwright? Ang pangalan n'ya ay Alberto Florentino. That's something I never knew until I did some research on it.
Written in English, "The world is an apple" is about the struggling but surviving residents of the Manila slums. "I was attracted to the theme,” said Florentino, “because I lived the life that my characters live.”
It is now more than 50 years old and is considered one of the most translated, adapted and produced plays by a Filipino playwright. It won top place in the prestigious Carlos Palanca Memorial Award, while "Cadaver" won the 2nd runner-up.
At a very young age that I was, "The World is an Apple" opened my eyes to life's harsh realities. So inspiring!
4 Comments:
Oo nga tandang tanda ko pa nun dramafest natin. Kaya lang sa background lang ako katulad din ng karamihan sa atin na mga frustrated actors. Eh pano ba naman ako mapipili eh di naman ako pang drama, pang comedy lang ang dating ko. Pero di bale sampolan ko na lang kau, hehe and u be the judge.
My version of Cadaver by ogie geronimo
Yumao si Mario at humiling kay San Pedro na kung puede bumalik sya sa lupa para lang makausap ang mahal na asawa na si Marta. Etong nangyari:
Nakita ni Mario ang kanyang kabaong na gawa lamang sa pinagtagpi tagpi na kahoy on da way sa sementeryo, nasindak sya at kinausap ang asawa ng ganito:
Mario: Marta, you call this 'libing', libing in a dungeon they call apartment. Ayoko dyan gusto ko sa musoleo kundi magpapa cremate na lang ako.
Marta: Mario, musoleo, musoleo ba ang gusto mo? Bakit kelan ka ba nag intrega ng sahod mo? Mabuti nga kahit dito may pinagsasaksakan ako sa u.
Mario: Sige Marta pag di mo ko nilipat sa musoleo mumultuhin kita makikita mo.
Marta: Ganun ba, eh kung nun buhay ka di ako natakot sa u ngayon pa kaya. Sige subukan mo ng malaman mo kung sino na ang kasama ko..walang iba kundi ang kumpare mo, haha!
Mario: San Pedro, San Pedro ibalik mo na ako, sinulot ako ng kumpare ko, waaaaaahhhhhh!
maraming nangyari during that time na off-camera and off-stage. s'yempre off the record too. mga nangyari while doing the rehearsals. maraming intriga at mga lambingan!
Hay naku, it reminds me ng magkasabay kami ni Zen sa airplane. Hindi maubos ang chikahan blues namin, and even remember yang dramafest na yan. Tawanang umaatikabu ni Zen sa pag-alala ng ibat-ibang version ng drama. Pero mas bilib ako sa version ni ogie, congratulations to you ogie, at least ikaw nag-iisa sa iyong version ng cadaver. you are the best actor..
egay, what do you think? patatalo ka ba kay ogie?
sorry susan, i can't beat that! di ganyan ang imahinasyon ko...iba! hehehe
Post a Comment
<< Home